Thursday, December 18, 2008

08/09 _blogberry planner..

Hello to my new 2009 planner..

...Malaking tulong para sa akin ang Planner.. Sa planner ko kasi isinusulat mga schedules ko sa school gaya ng duty, oras at araw ng exams, quizzes, minsan mga notes at kung ano-ano pang maisipan..Dahil sa planner ko, naging organized ako ng ilang buwan.. Dahil sa matatapos na ang taon, kinakailangan ko ng palitan ang luma kong planner at maghanap ng bago.. Nakaka'tuwa naman kasi may nakita akong planner na napapanahon talaga.. Isa syang blog-inspired planner.. Ang ganda ng designs nya..
-oOo-

Goodbye to my 2008 planner..






Monday, December 15, 2008

Prelims..

...kamusta naman?! prelims na next week.. ang sched. ng exam, eto..

Dec. 16, 08 (Tues)
Communicable Disease and Psychiatric Nursing
* bad trip.. pinagsabay pa yung parehong madali..

Dec. 17, 08 (Wed)
Medical/Surgical Nursing and Pedia
*wah! sadista talaga yung gumagawa ng sched.. pinagsama pa yung parehong mahirap! buti na lang matalino ako?! anu daw?! ehehehe

...anong aral kaya gagawin dito?! haiz! mabenta nanaman sa akin ang kape nito.. kape! kape! kape! Mga last semesters, pag ganitong examination week sa mga coffee shops ako nag'rereview.. gaya ng starbucks, coffee experience, bo's and figaro hindi para mag'pasusyal o ano pa naman.. 2 lang ang dahilan, una, aircon kasi.. wla kasing aircon sa bahay.. sarap kaya mag'aral pag malamig ang paligid.. tsaka, pag sa bahay kasi ang daming tukso.. nandyan ang T.V., PC, kama
(parang laging nang'aakit.. mahiga kkkkaaaahhhh! matulog kkkkkaaaahhhhh!) kamusta naman pag naka'tulog di ba?!.. pangalawa, pampagising!.. at dahit nga bagsak ang ekonomiya,,,

Hello Nescafe 3in1

*Matutong makuntento,, kape din yan! wag nang umarte!
Mabibili sa mga sari-sari store nationwide
SRP 5.00




Wednesday, December 10, 2008

My Girlfriends..


Ley,,
Kumare kong Maganda, Matalino at Mayaman.. Lahat ng "MA" name it! nsa kanya na! ehehehe.. Pakners in crime ko to sa lahat ng kalokohan sa skul.. pag wlang ginagawa at nakatambay, wla kming ginawa kundi mang'okray ng masisipat ng aming paningin.. ahaha.. Madalas naman, sa room bugbog sarado ako dito.. Bigla'bigla na lang mangungurot.. Manghahampas.. pero lambing nya lang yun (sweet nya maglambing noh?) Tanong ko nga sa kanya dati, "Ley, past life mo ba eh mangkukulam ka?! kasi tingin mo sa akin voodoo doll.." hahagikgik lang yan.. Lagi pa kong kino'correct sa english ko.. Pag'ganon, kasunod lagi non, "english teacher?!" minsan, "a.b. english?!"
Pagdting sa bags, naku! Lacoste lang naman bags nito?! hindi yung jafake ah.. as in orig! mga 3 lang naman meron sya.. (yung ang sa pagkaka'alam ko) at marami pa syang bags!..
Minsan songer,, ehehehe.. national anthem? pain in my heart..
Si Ley din yung taga'gising ko sa umaga.. naku! kmusta nman kung di sya mag'miscol sa cp ko.. for sure, anong petsa pa gising ko.. Kung nasan si ley, andun ako.. kaya nga "anino" akong maituturing.. ehehehe..
xoxo

Oyie,,
Hindi ako sanay na tawagin syang oyie.. Nakiki'oyie lang ako.. ehehehe.. Minsan ko lang kasing nabasa yun sa text sa kanya.. Sobrang napaka'lowprofile nitong si cori.. kung di mo sya kilala, eh iisipin mong isa sya sa mga angkan ni Lucio Tan at ni Mother Lily (Mukha kasi syang chinese).. Sossy tignan pero ang mga trip eh pang'jologs.. That's one of her characteristics na gustong gusto ko.. What you see is what you get nga.. Wlang pretentions.. Napaka'transparent.. Nung college, lagi kong tinitignan yung mga notes ni cori, bkit?! ganda kaya ng penmanship niya.. sa sobrang ganda, pwedeng pang'exhibit.. puno ng art.. kaya hindi totoo yung pagmaganda sulat eh panget?! duh! ganda kaya ni cori.. palag?! (tropa ko yan eh) ehehehe.. xoxo


Lon,,
I used to call her kels,, wla lang.. ehehe.. tawagan lang talaga namin yun.. ano ba masasabi ko sa babaeng toh? ah.. talking about comedy, si lon yun.. wlang pinipiling tao.. I could still remember may exam kmi sa chem, eh bawal magsalita @ bawal mag'usap kasi start na ng exam..

Proctor: Bakit nagkwekwentuhan pa kayo dyan?!
Lon: Wala Mam, Ice breaker lang po..

ahahaha.. gagew di ba?! Marami pa kming kalokohan nito.. Mga chismis.. Lately, di na sya nagpaparamdam.. Well, i understand naman.. ganon talaga buhay may jowa.. ehehehe.. tagal nya ring hinantay yun ah.. kaya naman, araw-araw siguro eh "Quality time" ..
xoxo

Khai,,
Marami akong makwekwento pero mas marami syang makwekwento.. ahahaha.. Pag si kakai eh nagsalita na, makinig ka na lang.. wla kang laban.. uo weh! ehehehe.. Detalyadong detalyado pag nagkwento.. Sobrang open book.. pati nga yung nangyari sa pagkakatago sa aparador eh ikinuwento.. ahahaha.. pano nga ba sya napasok sa aparador?! hmmmmm.. ehehehe.. PUP days, super love ni kakai ang sizzling spag sa may kawayan.. may naalala tuloy ako,, pag si kakai eh kumakain ng spag, asahan mo yung sauce ng spaghetti eh kumakalat sa labi nyah.. eeeewwww.. siguro ninanamnam nya lang yung lasa ng spag.. pero mahal ko yan.. ehehehe piz! xoxo

Joan,,
Si joan ay si joan.. basta! si joan sya.. ehehehe.. in fairness naman, masarap kasama si joan.. kikay, magaling sa one liner.. one of her highlights was nung kasagsagan ng F4.. Ginagaya nya kasi si shan sai.. Bibong bibo nga sya nun eh.. ehehehe.. Minsan nasabi ko kay jo,,

Jez: jo, kmukha mo si alicia mayer..
Joan: gago! madaming makaka'mukha si alicia mayer pah..

Oh kita nyo nah?! choosy pah.. ahahahaha..

Jez: oh sige si alessandra (de rossi) na lang..
Joan: ay naku jez! tigilan mo ko..

alessandra na yun ah.. ayaw pa rin! tawa na lang kmi ni lon.. nasa jeep lang kasi kmi nun eh.. pero kung wala, parang gusto kong magwala! ahahahaha.. alessandra at alicia mayer na eh, ayaw pah?! buhay nga naman oh.. xoxo

Marilyn,,
Ole, tawag sa kanya sa bahay.. Toni, tawag sa kanya sa work, at Tukz, tawag ko sa kanya (short for tukmol).. hahaha.. Si gee nagbigay sa kanya ng name na yun.. Sya ang kauna'unahang friend ko nung pagtungtong ko sa college.. Classmate ko sya sa una kong course bago ako mag'shift sa psych (di ko na sasabihin kung ano ang una kong course,, basta!) .. Then naging crewmate kmi sa Cindy's Hamburger.. My very first work experience.. Sya yung nag'influence sa kin para mag'aaply sa mga fastfood.. naku! napaka'career oriented nitong taong toh.. lagi ko ngang naririnig sa kanya na "sayang ang oras.." Kpag nagkaka'galit kmi, sya rin ang sumusuko.. ehehehe.. Kahit ako ang may kasalanan eh sya ang nag'sosorry.. ehehehe.. Ngayon, nsa Canada na sya, iba talaga ang nagagawa ng ibang bansa sa buhay ng tao.. Tignan nyo ang picture nya, kung nakilala nyo sya dati pa, malayong malayo ang itsura nya noon sa itsura nya ngayon.. She has changed a lot! Sophisticated na sya ngayon.. ehehehe.. xoxo

...Anne, Cath and Lea,, mga tropa ko sa Marketing, at katambayan sa Kawayan minsan sa blue house (dorm ni lea) After ng class, hindi muna ako uuwi.. Hihintayin ko sila sa kawayan para sa umaatikabong kwentuhan.. Minsan naman pag nagkayayaan, sa bilyaran ang tuloy.. Pagdating sa bilyaran, panis kmi kay Anne.. Minsan lang kmi manalo kay Anne.. Tsamba kung baga.. ehehehe.. Kpag wlang pasok, sa blue house lang kmi magkikita kita para as usual kwentuhan.. kahit wlang nakakatawa, magtatawanan kmi.. Naalala ko tuloy nung pumunta kmi ng Zambales (sabit lang ako!) nung pauwi na kmi, wla kaming ginawa ni Anne kundi magtawanan mula sa Olongapo bus station hanggang Monumento (imagine kung gano kmi katagal tumatawa).. Tulog na ang lahat ng pasahero pero kming dalawa tawanan kmi ng tawanan.. Pinagtatawanan namin yung mga natutulog.. May naka'nganga kasi (tanda ko pa kung sino yun?!).. Tapos si Lea dahil dun sa chocolate,, binibigyan ksi sya ng chocolate nung boylet na type ata sya,, eh ayaw nya tanggapin ngayon kmi ang kumuha ng chocolate.. pagdating sa bus, ini'inggit namin si lea dahil madami kming chocolate, eh gusto nya pala kaya natatawa kmi ksi tinatakam nmin sya ni Anne (May tawag kmi sa kanya nung time na yun eh,, princess ata di ko lang sure).. Na'miss ko tuloy silang bigla.. *sigh* xoxo






Saturday, December 06, 2008

Beyonce - Single Ladies



...Una kong napanuod to sa MYX premiere.. Grabe si Beyonce dito,, galing sumayaw! (mahihiya ang sexbomb kung mapapanuod nila to) .. Hinanap ko yung official music video ng Single Ladies sa youtube pero unfortunately, "Embedding disabled by request" kaya ito na lang live performances ni Beyonce sa American Music Awards.. Enjoy watching,, kung gusto nyong sumayaw pwede din namang sayawin pero eto lang masasabi ko,,, GOODLUCK! hehehe


200 Pounds of Beauty


Hanna is a lip sync vocalist for Ammy, the famous Korean pop singer. Even though she is always ignored because of her appearance, she has been a bright and lighthearted girl until Ammy humiliates her in front of Sang-jun, her secret love. At last she makes a decision of a lifetime to have plastic surgery all over her body. Will her unrequited love be returned?

...Sobrang nag'enjoy ako sa movie na to.. Nakakatuwa and at the same time nakaka'inlove.. It reminds me of Tabachingching ng Daisy Siete.. ehehehe.. Halos magkahawig sila ng story.. Parehong Mataba ang bida, Lip sync singer, at sa gitna ng story, eh pareho din sila nagpapayat para magustuhan sila ng lalakeng mahal nila.. Siguro dito nga ipinattern ang Tabachingching.. Hindi ko na ikukuwento.. kung ako sa inyo, eh panuorin nyo na lang.. Ü



Maria
(Korean Version)
by Ah-joong Kim
OST 200 Pounds of Beauty




Thursday, November 27, 2008

blog.. blog.. blog..

Finally, nasimulan ko na rin tong blog ko.. Ilang buwan ko ring pinag'isipan kung magbla'blog ba ako oh hindi.. bakit ko pinag'iisipan? eto mga reasons:

1. Hindi ko maintindihan kung paano manipulahin @ pagandahin tong blog na to.. Kinailangan ko pa ang tulong ni Cori ( PUP buddy ko ) kung ano ang dapat kong gawin.. Laking tulong ng sagot sa kin ni Cori, "kalikutin mo lang." oh di ba? detalyadong detalyado?! ehehe..

2. Tamad ako magbukas ng PC.. bkit?! ang tagal nya kasing magbukas.. mababa lang kasi memory ng PC namin.. Kaya naman, nakakapagcomputer lang ako kapag may nauna nang gumamit at patapos na.. ehehehe.. katamaran talaga..

3. Hindi ko alam kung ano ano ang mga ilalagay ko sa blog na itoh.. pero naisip ko din, tutal makwento naman ako, edi kwento ko na lang dito.. salamat sa blog ni Cori at nagka'idea tuloy ako.. Ü