Wednesday, December 10, 2008

My Girlfriends..


Ley,,
Kumare kong Maganda, Matalino at Mayaman.. Lahat ng "MA" name it! nsa kanya na! ehehehe.. Pakners in crime ko to sa lahat ng kalokohan sa skul.. pag wlang ginagawa at nakatambay, wla kming ginawa kundi mang'okray ng masisipat ng aming paningin.. ahaha.. Madalas naman, sa room bugbog sarado ako dito.. Bigla'bigla na lang mangungurot.. Manghahampas.. pero lambing nya lang yun (sweet nya maglambing noh?) Tanong ko nga sa kanya dati, "Ley, past life mo ba eh mangkukulam ka?! kasi tingin mo sa akin voodoo doll.." hahagikgik lang yan.. Lagi pa kong kino'correct sa english ko.. Pag'ganon, kasunod lagi non, "english teacher?!" minsan, "a.b. english?!"
Pagdting sa bags, naku! Lacoste lang naman bags nito?! hindi yung jafake ah.. as in orig! mga 3 lang naman meron sya.. (yung ang sa pagkaka'alam ko) at marami pa syang bags!..
Minsan songer,, ehehehe.. national anthem? pain in my heart..
Si Ley din yung taga'gising ko sa umaga.. naku! kmusta nman kung di sya mag'miscol sa cp ko.. for sure, anong petsa pa gising ko.. Kung nasan si ley, andun ako.. kaya nga "anino" akong maituturing.. ehehehe..
xoxo

Oyie,,
Hindi ako sanay na tawagin syang oyie.. Nakiki'oyie lang ako.. ehehehe.. Minsan ko lang kasing nabasa yun sa text sa kanya.. Sobrang napaka'lowprofile nitong si cori.. kung di mo sya kilala, eh iisipin mong isa sya sa mga angkan ni Lucio Tan at ni Mother Lily (Mukha kasi syang chinese).. Sossy tignan pero ang mga trip eh pang'jologs.. That's one of her characteristics na gustong gusto ko.. What you see is what you get nga.. Wlang pretentions.. Napaka'transparent.. Nung college, lagi kong tinitignan yung mga notes ni cori, bkit?! ganda kaya ng penmanship niya.. sa sobrang ganda, pwedeng pang'exhibit.. puno ng art.. kaya hindi totoo yung pagmaganda sulat eh panget?! duh! ganda kaya ni cori.. palag?! (tropa ko yan eh) ehehehe.. xoxo


Lon,,
I used to call her kels,, wla lang.. ehehe.. tawagan lang talaga namin yun.. ano ba masasabi ko sa babaeng toh? ah.. talking about comedy, si lon yun.. wlang pinipiling tao.. I could still remember may exam kmi sa chem, eh bawal magsalita @ bawal mag'usap kasi start na ng exam..

Proctor: Bakit nagkwekwentuhan pa kayo dyan?!
Lon: Wala Mam, Ice breaker lang po..

ahahaha.. gagew di ba?! Marami pa kming kalokohan nito.. Mga chismis.. Lately, di na sya nagpaparamdam.. Well, i understand naman.. ganon talaga buhay may jowa.. ehehehe.. tagal nya ring hinantay yun ah.. kaya naman, araw-araw siguro eh "Quality time" ..
xoxo

Khai,,
Marami akong makwekwento pero mas marami syang makwekwento.. ahahaha.. Pag si kakai eh nagsalita na, makinig ka na lang.. wla kang laban.. uo weh! ehehehe.. Detalyadong detalyado pag nagkwento.. Sobrang open book.. pati nga yung nangyari sa pagkakatago sa aparador eh ikinuwento.. ahahaha.. pano nga ba sya napasok sa aparador?! hmmmmm.. ehehehe.. PUP days, super love ni kakai ang sizzling spag sa may kawayan.. may naalala tuloy ako,, pag si kakai eh kumakain ng spag, asahan mo yung sauce ng spaghetti eh kumakalat sa labi nyah.. eeeewwww.. siguro ninanamnam nya lang yung lasa ng spag.. pero mahal ko yan.. ehehehe piz! xoxo

Joan,,
Si joan ay si joan.. basta! si joan sya.. ehehehe.. in fairness naman, masarap kasama si joan.. kikay, magaling sa one liner.. one of her highlights was nung kasagsagan ng F4.. Ginagaya nya kasi si shan sai.. Bibong bibo nga sya nun eh.. ehehehe.. Minsan nasabi ko kay jo,,

Jez: jo, kmukha mo si alicia mayer..
Joan: gago! madaming makaka'mukha si alicia mayer pah..

Oh kita nyo nah?! choosy pah.. ahahahaha..

Jez: oh sige si alessandra (de rossi) na lang..
Joan: ay naku jez! tigilan mo ko..

alessandra na yun ah.. ayaw pa rin! tawa na lang kmi ni lon.. nasa jeep lang kasi kmi nun eh.. pero kung wala, parang gusto kong magwala! ahahahaha.. alessandra at alicia mayer na eh, ayaw pah?! buhay nga naman oh.. xoxo

Marilyn,,
Ole, tawag sa kanya sa bahay.. Toni, tawag sa kanya sa work, at Tukz, tawag ko sa kanya (short for tukmol).. hahaha.. Si gee nagbigay sa kanya ng name na yun.. Sya ang kauna'unahang friend ko nung pagtungtong ko sa college.. Classmate ko sya sa una kong course bago ako mag'shift sa psych (di ko na sasabihin kung ano ang una kong course,, basta!) .. Then naging crewmate kmi sa Cindy's Hamburger.. My very first work experience.. Sya yung nag'influence sa kin para mag'aaply sa mga fastfood.. naku! napaka'career oriented nitong taong toh.. lagi ko ngang naririnig sa kanya na "sayang ang oras.." Kpag nagkaka'galit kmi, sya rin ang sumusuko.. ehehehe.. Kahit ako ang may kasalanan eh sya ang nag'sosorry.. ehehehe.. Ngayon, nsa Canada na sya, iba talaga ang nagagawa ng ibang bansa sa buhay ng tao.. Tignan nyo ang picture nya, kung nakilala nyo sya dati pa, malayong malayo ang itsura nya noon sa itsura nya ngayon.. She has changed a lot! Sophisticated na sya ngayon.. ehehehe.. xoxo

...Anne, Cath and Lea,, mga tropa ko sa Marketing, at katambayan sa Kawayan minsan sa blue house (dorm ni lea) After ng class, hindi muna ako uuwi.. Hihintayin ko sila sa kawayan para sa umaatikabong kwentuhan.. Minsan naman pag nagkayayaan, sa bilyaran ang tuloy.. Pagdating sa bilyaran, panis kmi kay Anne.. Minsan lang kmi manalo kay Anne.. Tsamba kung baga.. ehehehe.. Kpag wlang pasok, sa blue house lang kmi magkikita kita para as usual kwentuhan.. kahit wlang nakakatawa, magtatawanan kmi.. Naalala ko tuloy nung pumunta kmi ng Zambales (sabit lang ako!) nung pauwi na kmi, wla kaming ginawa ni Anne kundi magtawanan mula sa Olongapo bus station hanggang Monumento (imagine kung gano kmi katagal tumatawa).. Tulog na ang lahat ng pasahero pero kming dalawa tawanan kmi ng tawanan.. Pinagtatawanan namin yung mga natutulog.. May naka'nganga kasi (tanda ko pa kung sino yun?!).. Tapos si Lea dahil dun sa chocolate,, binibigyan ksi sya ng chocolate nung boylet na type ata sya,, eh ayaw nya tanggapin ngayon kmi ang kumuha ng chocolate.. pagdating sa bus, ini'inggit namin si lea dahil madami kming chocolate, eh gusto nya pala kaya natatawa kmi ksi tinatakam nmin sya ni Anne (May tawag kmi sa kanya nung time na yun eh,, princess ata di ko lang sure).. Na'miss ko tuloy silang bigla.. *sigh* xoxo